Last Updated on June 9, 2024 by Enci P.
Ang turmeric o luyang dilaw ay maganda sa ating kalusugan. Ginagamit ito bilang natural na lunas sa iba’t ibang uri ng karamdaman kagaya ng kanser at bilang natural na supplement. Bukod sa maganda ang turmeric sa kalusugan ng katawan, ginagamit din itong natural na lunas kung may problema sa balat. In other words, maaari mo itong gamitin bilang face mask o skin mask kung nais mong gumamit ng original na skin scare product.
Ang luyang dilaw o Turmeric sa ingles ay isang rhizome na katulad ng luya na mula sa perennial plant. Ito ang spice na ginagamit na sangkap sa pagluluto ng curry. Ito ay halos kasing hugis ng luya at ang pinagkaibahan lang nito ay ang kulay. Maraming gamit at benepisyo ang luyang dilaw.
Ang benepisyo ng turmeric bilang natural na lunas ay matagal ng naitala sa libro ng Ayurveda at Traditional Chinese Medicine.
Sa TCM, ang turmeric ay ginagamit kung ang isang tao ay may mahina o problema sa sirkulasyon ng katawan.
Sa Ayurvedic medicine naman ay sa sirkulasyon din, digestion, balat at problema sa atay.
Mga Benepisyo ng Turmeric sa Kalusugan
Ang curcumin ay ang pangunahing active ingredient ng turmeric. Ayon sa article ng Healthline, ang curcumin ay isang anti inflammatory at malakas na antioxidant. Ang compound na curcumin ay makakatulong na maiwasan o lunasan ang mga iba’t ibang uri ng karamdaman.
Bukod sa curcumin, ang turmeric ay meron ding mga taglay na bitamina at mineral. Meron itong vitamin a, vitamin c, vitamin b12 & 6. Kung minerals naman, ito ay may taglay na iron, potassium, niacin, zinc at iba pang mga nutrisyon.
Siyam na sakit na sinasabing maaaring lunasan o labanan ng Luyang dilaw o turmeric
- Kanser
- Mga sakit sa Puso
- Arthritis
- Alzheimer’s disease
- Depression at Insomia
- Blood sugar
- Psoriasis at Eczema
- Liver detox
- Anti bacterial
Bakit sinasabing nakakatulong ang luyang dilaw kung ikaw ay may kanser
Kagaya ng bawang, luya, clove, cinnamon at iba pang herbal, ang luyang dilaw o turmeric ay dumadaan sa maraming pagaaral. Ayon sa isang article, ang curcumin na taglay ng luyang dilaw ay nakitaan ng anti cancer effects sa kanilang pre clinical at chemical studies.
- Angiogenesis- may kakayahan ang turmeric o luyang dilaw na pigilan ang pagtubo ng bagong blood vessels ng isang malignant na tumor.
- Carcinogenesis- ang luyang dilaw ay maganda ring gamitin bilang prevention ng pagkakaroon ng kanser dahil may kakayahan itong pigilan ang pormasyon o pag buo ng cancer cells sa katawan.
- Tumor growth- nakakatulong din ang turmeric sa paglaki ng cancerous na tumor.
Paano gamitin ang Turmeric o luyang dilaw para mapakinabangan ito
Importante na incorporated ang mga masusustansiyang pagkain, inumin, spices & herbs sa ating pang araw araw na nutrisyon.
Heto ang iba’t ibang paraan kung papaano natin maiincorporate sa ating diet ang masustansiyang luyang dilaw;
1.Sangkap sa Pagkain– ang pinaka madaling paraan ng paggamit ng Turmeric o Luyang dilaw ay ang paghahalo nito sa mga nilulutong ulam. At ang napakadaling lutuing ulam nga na may herbal na turmeric ay ang curry.
2. Gawing Tsaa– sa paggawa ng tea gamit ang turmeric, dagdagan ng luya. Pakuluan ang luyang dilaw at luya. Lagyan ng lemon o calamansi at honey para mabalanse ang lasa. Maganda rin kung lagyan ng konting durog na black pepper o paminta.
3. Milk & Turmeric– magpakulo ng gatas at turmeric. Lagyan ng honey at inumin habang maligamgam. Pwede mo rin itong dagdagan ng iba pang sangkap na healthy rin sa katawan kagaya ng;
a.Cinnamon powder o stick
b. Clove
c. Cardamom
d. Luya
Ang pag inom ng turmeric milk o tinatawag nilang golden milk ay makakatulong sa paglaban sa insomia at kung nakakaramdam ng depresyon.
Paghalo haluin lamang ang mga sangkap at pakuluan. Isa ito sa paraan na mai incorporate natin ang luyang dilaw sa ating katawan. Maaaring tignan ang video sa paggawa ng turmeric milk.
4. Ipahid sa masakit na kasukasuan– maaaring gumawa ng turmeric infused oil gamit ang oil infusion. Gumamit ng langis na gustong gamitin at ito ang gagamitin sa pag infuse. Meron naring nabibiling turmeric essential oil sa mercado na maaaring gamitin.
5. Gumawa ng Pain balm– ang turmeric ay maaaring gawing pain balm. Gumamit ng mga infusions ng cayenne pepper, at luya. Lagyan ng beeswax para maging solido ang produkto.
Prevention is better than cure sabi nga nila. Kaya isama mo na ang pulbos na ito sa iyong kusina. 🙂