Last Updated on June 9, 2024 by Enci P.
Ano ang antioxidants
Ang Antioxidants ay mga compounds na importante sa kalusugan para i-stabilize o i-neutralize ang mga free radicals. Dahil ang pagbalanse ng antioxidants sa free radicals ay kailangan para sa ikakabuti ng ating kalusugan.
Ang antioxidants ay parang ”spare tire”. Nagbibigay ito ng isang electron sa isang free radical na unstable at reactive. Imbes na sa mga selula natin kumuha at magnakaw ang free radicals ng electron, ang mga antioxidants ang magbibigay nito. Sa pamamagitan ng antioxidants, na nu-neutralize o naiibsan nito ang mga free radicals sa pagsira ng mga healthy cells sa ating katawan. Sa pamamaraang ito, naproprotektahan ng antioxidants ang mga cells sa pagkasira ng membranes, dna, at proteins. Kapag ang free radicals ay na stabilize o na-neutralize na, ito ay lalabas naman sa ating katawan sa pamamagitan ng pawis, ihi, o sa ating mga dumi.
Benepisyo ng antioxidants sa kalusugan
Ang benepisyo ng antioxidants sa ating kalusugan ay ang pagbabalanse nito ng level o dami ng free radicals sa katawan ng tao. Prinoprotektahan nito ang ating kalusugan mula sa mga sakit na dulot ng free radicals. Dahil pag nagkataon na mas maraming free radicals ang katawan at kulang ng antioxidants sa pang neutralize, magkakaroon ng tinatawag na OXIDATIVE STRESS. At ang patuloy na pagkasira ng ating mga cells ay hahantong sa iba’t ibang uri ng sakit.
Halimbawa
- Atherosclerosis
- Inflammatory joint disease
- Asthma
- Diabetes
- Senile dementia
- Degenerative eye disease
- Cancer
Mga halimbawa ng antioxidants
Ang antioxidants ay makukuha mo sa iba’t ibang uri ng sources.
- Vitamin C
- Vitamin E
- Vitamin A
- Betacarotene
- Lycopene
- Manganese
- Selenium
- Enzymes- glutathione, super oxide dismutase, catalase.
- Polyphenols
At ang mga antioxidants na nabanggit ay makukuha mo sa iba’t ibang uri ng pagkain, spices, herbal at mga inumin.
Mga gulay na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng gulay na mayaman sa antioxidants.
- Bell pepper ( also a fruit )
- Brocolli
- Cabbage
- Cauliflower
- Kalabasa
- Kale
- Malunggay
- Okra
- Saluyot/Jute leaves
- Spinach/Kangkong
Root Vegetables na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng root crops na mayaman sa antioxidants.
- Beets
- Carrots
- Kamote
- Yacon
Mga Prutas na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng prutas na mayaman sa antioxidants.
- Atis
- Avocado
- Bayabas
- Berries- billberry, blueberry, cranberry, goji, strawberry
- Cherry
- Durian
- Kamatis
- Kiwi fruit
- Lansones
- Grapes
- Guyabano/soursop
- Mangosteen
- Noni fruit
- Papaya
- Persimmon
- Pomegranate
Mga Grains na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng grains na mayaman sa antioxidants.
- Brown rice
- Buckwheat
Mga Seeds na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng seeds o buto na mayaman sa antioxidants.
- Cacao seeds
- Chia seeds
- Flax seeds
- Quinoa
- Sesame seeds
- Sunflower seeds
Mani na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng mani na mayaman sa antioxidants.
- Almond
- Walnut
Langis na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng langis na mayaman sa antioxidants.
- Langis ng apricot kernel / apricot kernel oil
- Langis ng avocado / Avocado oil
- Langis ng niyog / coconut oil
- Langis ng grapeseed oil / grapeseed oil
- Langis ng olive / olive oil
- Langis ng sesame / sesame oil
Spices at herbal na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng spices at herbal na mayaman sa antioxidants.
- Bawang
- Sili
- Luya
- Sibuyas
- Turmeric o luyang dilaw
- Aloe vera o sabila
- Dandelion
- Gumamela flower / hibiscus
- Nettle
- Milk thistle / Silymarin
- Oregano
- Rosemary
Tsa-a na mayaman sa antioxidants
Mga halimbawa ng tsa-a na mayaman sa antioxidants.
- Black tea
- Blueberry tea
- Green tea
Iba pang source ng antioxidants
- Cacao
- Dark chocolate
- Honey
Maraming pagkain ang maaaring source ng antioxidants para sa ating kalusugan. Ang importanteng isipin sa pagplaplano ng pagkain ay ang mga benepisyo nito sa kalusugan. Kung paano mano-nourish ang ating katawan lalong lalo na ang ating mga anak. Ang isa pang gawin sa pagplaplano ng ihahandang pagkain ay ang pagbili ng mga pagkain na nasa panahon para abot kaya ang presyo.